Agarang aksyon para masolusyunan ang power situation sa bansa, pinanawagan ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senador Sherwin Gatchalian na ang patuloy na pagdedeklara ng red at yellow alert status sa power grid ay nangangahulugan na kailangan na ng bansa na taasan ang kapasidad sa pagsusuplay ng kuryente, para matugunan ang tumataas na economic targets.

Kinalampag rin ni Gatchalian ang Department of Energy (DOE) at ang Energy Regulatory Commission (ERC), para ipakita ang determinasyon nitong maparusahan ang power plants na hindi nakakasunod sa reliability index o sa kakayahang magbigay ng kuryente sa mga consumer.

Giit ng senador, dapat imbestigahan ng dalawang ahensya ang mga unplanned at force outages na nagaganap.

Kasabay nito ay dapat rin aniyang agresibong kumikilos ang buong power industry para agad na maibalik ang operasyon ng mga power generating plant.

Gaya ng pagsasagawa na ng cloud seeding para maibalik ang operasyon ng mga hydroelectric power plant.

Dinagdag rin ni Gatchalian, na kailangan ring magtulungan ng mga industry stakeholder para mapataas ang ancillary services, mapagaan ang epekto sa singil sa mga konsumer at mapabilis ang pagdadagdag ng mga bagong planta. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us