Nanawagan si Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Senador Francis Tolentino na agarang i-upgrade ang mga maritime fleet ng Pilipinas.
Ayon kay Tolentino, kung maa-upgrade ang mga kagamitan ng ating bansa sa karagatan o ng ating Philippine Navy ay maiiwasan nang kawawain tayo ng China.
Partikular na ipinunto ng senador ang pagkakaroon dapat ng ating bansa ng mga submarine.
Binigyang diin ng senador ang strategic values ng mga submarine, gaya ng pagkakaroon nito ng abilidad na mag operate ng hindi nade-detect, reconnaissance, surveillance at strategic deterrence.
Inihalimbawa ng mambabatas mga bansang Cambodia at Indonesia na nakapag invest na sa mga submarine. | ulat ni Nimfa Asuncion