Inaasahan ng pamahalaan na lalala pa sa mga darating na panahon ang agresyon ng China sa West Philippine Sea batay sa threat assesment ng National Intelligece Coordinating Agency (NICA).
Ito ang inihayag ni NICA Director General Ricardo de Leon sa kanyang presentasyon sa Bagong Pilipinas National Security Cluster Communications Workshop 2024 na ginanap sa Philippine Merchant Maritime Academy sa San Narciso Zambales.
Sinabi ni De Leon na inaasahang patuloy na guguluhin ng China ang mga RoRe mission sa West Philippine Sea.
Ayon kay De Leon, nagbago na ang taktika ng China sa dating simpleng panghaharang sa pinag-aagawang lugar sa WPS, at ngayon ay gumagamit na ng piskal na pangha-harass.
Kabilang dito ang paggamit ng water cannon, laser, ramming tactics, at iba pang mapanganib na aksyon. | ulat ni Leo Sarne