Agriculture Chief, umapela sa mga mambabatas na suportahan ang pagpapalawig ng RCEF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga mambabatas na suportahan ang pagpapalawig ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Sa kanyang ulat sa Congressional Oversight Committee on Agricultural and Fisheries Modernization sa Senado, sinabi ni Laurel na ang RCEF na mas kilala bilang Rice Fund na mag-expire na sa susunod na taon ay isang “dynamic economic strategy”.

Pinahihintulutan nito ang gobyerno na gamitin ang makabuluhang taripa mula sa inangkat na bigas upang mapahusay ang produktibidad at kita ng mga magsasaka.

Sinabi ng kalihim, ang Rice Fund ay nagbigay ng malaking revenue stream para sa gobyerno upang tustusan ang mga mahahalagang proyekto sa pagpapaunlad na layong  pahusayin ang competitiveness ng sektor ng bigas sa bansa.

Hinihingi ng kalihim na palawigin ang RCEF hanggang 2030, at mga pagbabago sa  paglalaan ng pondo upang mapabuti ang kahusayan at i-optimize ang epekto nito.

Naglalaan ang Rice Fund ng P10 bilyon kada taon para sa pamamahagi ng mga makinarya at buto ng sakahan, bukod sa iba pa, na may labis na koleksyon ng taripa na ipinamahagi sa mga magsasaka bilang tulong pinansyal upang mabawasan ang epekto.

Mula nang ipatupad noong 2019, mahigit na sa isang milyong Pilipinong magsasaka ng palay ang nakinabang sa Rice Fund. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us