Alert Level Alpha, nakataas sa ilang lalawigang posibleng maapektuhan ng bagyong Aghon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha sa ilang lalawigan sa bansa na posibleng tamaan ng bagyong Aghon.

Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hangin hanggang 55 kilometers per hour at moderate to heavy rainfall ang mga lalawigan ng:

Albay
Camarines Sur
Catanduanes
Dinagat Islands
Eastern Samar
Leyte
Northern Samar
Samar
Sorsogon
Surigao del Norte

Bagamat mababa ang banta sa ilalim ng Alert Level Alpha, patuloy na pinag-iingat ng DILG ang mga LGU sa ilang posibleng maging panganib na dulot ng malakas na hangin at ulan.

Una na ring pinaalalahanan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang Oplan Listo Protocols bilang paghahanda sa bagyong Aghon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us