Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagsasanib pwersa ng Partido Federal ng Pilpinas at Nationalist People’s Coalition ay naglalayong sama sama isulong ang kapayapaan, pag-unlad at estabilidad ng bansa.
Ito ang mensahe ng Pangulo sa ginawang paglagda ng alyansa ng dalawang Partido sa Makati City kagabi.
Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na hindi lamang ito bilang paghahanda sa susunod na 2025 midterm elections bagkus ito’y upang gawing pormal ang pagtutulungan ng PFP at NPC na nauna nang sinimulan.
Ang NPC ay may 4,000 miyembro kung saan halos kalahati nito ay mga kasalukuyang opisyal ng pamahalaan na kinabibilangan ng 5 senador at 38 na kongresista.
Matatandaang noong May 8 ay sinelyuhan din ang alyasa ng PFP at Lakas-CMD party na pinakamalaking power lock ng Kamara na may 100 miyembro.
Diin ng punong ekekutibo na ang mga binubuong alyansa ng PFP sa iba’t ibang Partido sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” ay naka-focus sa pagsulong ng bansa—pagkakaisa upang mapaganda ang buhay ng mga Pilipino.| ulat ni Melany V. Reyes