Arestado ng mga awtoridad sa pangunguna ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national fugitive na pinaghahanap sa Texas, sa Estados Unidos matapos mapag-alaman na tumakas ito papunta dito sa Pilipinas.
Kinilala ang sinasabing American fugitive na si Myklr Aphrodite, 43 anyos, na nahuli ng mga kawani ng fugitive search unit (FSU) ng BI nitong Huwebes lamang sa kahabaan ng Roxas Blvd., sa Ermita, Maynila.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, nahuli si Aphrodite sa pamamagitan ng isang misyong inisyu nito dahil request sa US embassy na humingi ng tulong ng BI para sa pagtunton at pagkaaresto nito dahil sa mga paglabag nito sa penal code ng Texas.
Nakaditene na ngayon si Aphrodite sa BI warden facitlity sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habag naghihintay ng kanyang deportation proceedings.
Isasama naman ang pangalan ni Aphrodite sa blacklist ng BI at iba-ban na mula sa pagpasok pa dito sa bansa.| ulat ni EJ Lazaro