Amyenda sa Philippine Lemon Law, itinutulak ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ngayon ni Las Pinas Representative Camille Villar na amyendahan ang halos dekada nang RA 10642 o Philippine Lemon Law.

Ito ay upang tugunan ang suliranin ng mga consumer na nahihirapan sa paghabol sa mga manufacturers, distributors, dealers o retailers ng mga sasakyan.

Tinukoy ni Villar ang matagal na proseso ng pagresolba ng mga reklamo sa nabiling sasakyan dahil sa defect.

Partikular dito ang probisyon sa kasalukuyang batas kung saan binibigyan ang mga manufacturers, distributors, at dealers ng apat na pagkakataon para ayusin ang mga sirang kotse sa loob ng unang 12 buwan mula sa petsa ng delivery.

Sa ilalim ng panukala ng kongresista ay isang pagkakataon na lamang ang ibibigay upang mapadali ang proseso at maiwasan ang hindi patas na trade practices.

Nakapaloob din sa panukala ng Deputy Speaker ang pagtiyak na available ang piyesa ng depektibong sasakyan na kailangang ayusin sa loob ng period of availment na nakasaad sa Lemon Law rights.

Kailangan aniya ay sa loob ng 10 araw mula ng i-file ang request for repair ay mayroon nang piyesa, kung hindi ay kailangan ito palitan ng bagong sasakyan.

Pinababayaran din ng kompensasyon sa pamamagitan ng transportation allowance o pagbibigay ng service vehicle sa consumer na naabala dahil sa pagkasira ng sasakyang binili.

Kung mabigo sa pagpapatupad ng remedyo ay magbabayad ang manufacturers, distributors, dealers o retailers ng hindi bababa sa ₱50,000 para sa “exemplary damages” maliban pa sa aktwal na pinsalang dinanas ng consumer. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us