Binigyang diin ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee ang kahalagahan na malinis pa rin ang hanay ng National Food Authority o NFA upang tuluyang mapababa ang presyo ng bigas.
Ayon sa mambabatas, suportado nito ang amyenda sa Rice Tariffication Law kung saan ibabalik ang kapangyarihan ng NFA makapagbenta muli sa mga pamilihan.
Sa pamamagitan nito ay direkta nang bibili ang NFA ngbigas sa mga magsasaka at ibebenta sa merkado sa abot kayang halaga.
Ibig sabihin, hindi na mababarat ng mnga middleman at traders ang mga magsasaka at hindi na rin pagsasamantalahan ang publiko sa mataas na presyo.
Ngunit para aniya mangyari ito, dapat may tapat at maaasahang liderato ang NFA na babaston sa ahensya, para hindi na ito pamugaran ng anomalya.
Dapat din aniyang maging seryoso ang mga ahensya ng gobyerno para sugpuin at may masampolan na sa agri smuggling na pumapatay sa kabuhayan ng local food producers. | ulat ni Kathleen Forbes