Malapit nang umabot sa minimum operating level ang kasalukuyang antas ng tubig sa Angat Dam.
Sa update ng PAGASA Hydromet Division kaninang alas-8 ng umaga, nabawasan pa ng 39 sentimetro ang dam kaya nasa 183.99 meters na lamang ang lebel nito.
Nasa higit tatlong metro nalang ang agwat nito mula sa 180 meters na minimum operating level ng dam.
Bukod naman sa Angat Dam, natapyasan din ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam, San Roque, at Magat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa