Bumaba na sa minimum operating level ang tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Sa monitoring ng PAGASA Hydromet Division, sumadsad na 179.68 meters ang antas ng tubig sa dam na mas mababa sa 180-meter minimum operating level.
Bumaba ito ng 0.39 meter kumpara sa 180.07 meter na naitala kahapon ng umaga, May 22.
Una nang sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na posibleng bawasan ang water allocation sa Metro Manila kapag bumaba ang water level sa Angat. | ulat ni Merry Ann Bastasa