Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24-oras.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-8 ng umaga ay nabawasan pa ng 26 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 181.59 meters.
Higit isang metro na lang ang agwat nito mula sa 180 meters na minimum operating level ng dam.
Bukod sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa ilan pang dam na binabantayan ng PAGASA sa Luzon.
Kabilang dito ang La Mesa Dam, San Roque, at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa
#RP1News
#BagongPilipinas