Sumadsad na sa pinakamababang 180.95 meters ang water elevation ng Angat Dam ngayong umaga.
Batay sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, nabawasan pa ng 0.25 meters ang water level ng dam mula sa 181.20 meters kahapon.
May pagitan na lamang na 0.95 meters bago pumantay sa 180 meters minimum operating level ng dam.
Patuloy ang pagbaba mg water level ng Angat sa kabila na may mga pag ulan nang nangyayari sa mga nagdaang araw.
Samantala, napapanatili naman ang water level sa Ipo Dam na nasa 99.58 meters mula sa 99.57 meters kahapon ng umaga.
Maging ang water level ng La Mesa dam ay patuloy din ang pagbaba,na ngayon ay nasa 74.11 meters mula sa 80.15 meters normal high water level. | ulat ni Rey Ferrer