Anti-Financial Account Scamming Bill, aprubado na sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 2560 o ang panukalang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).

Sa botong 23 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag-abstain ay lusot na ang naturang panukala sa Mataas na Kapulungan.

Sa ilalim ng AFASA Bill, layong magpataw ng mas mabigat na parusa sa mga gagamit ng financial accounts sa paggawa ng krimen.

Nakasaad dito na ang sinumang mapapatunayang guilty ng “money muling schemes” ay mahaharap sa pagkakakulong ng mula anim hanggang walong taon at multang mula ₱100,000 hanggang ₱500,000.

Ang mapapatunayan namang guilty ng fraud o “social engineering schemes” ay mapapatawan ng parusang kulong ng hanggang 12 taon at multang hindi hihigit ng isang milyong piso.

Habang ang mga magiging guilty sa “economic sabotage” ay papatawan ng parusang habang-buhay na pagkakakulong at multang mula one million to ₱5-million pesos.

Isa itong AFASA Bill sa mga priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us