ASF vaccine, kailangan na para maprotektahan ang presyo ng baboy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maliban sa bigas ay tututukan din ng Kamara at Department of Agriculture (DA) ang pagpapababa sa presyo ng baboy.

Sa naging pulong nina House Speaker Martin Romualdez at Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel, sinabi ng House leader na patuloy ang ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan para mapababa ang presyo ng bilihin.

Kaya naman nananawagan ito sa Food and Drug Administration (FDA) na sana’y pabilisin ang pagproseso sa pagbili ng bakuna kontra African Swine Flu o ASF.

Giit ni Romualdez, kailangan mapigilan ang ASF na nakakaapekto rin sa suplay at presyuhan ng baboy sa  bansa.

“we’re even calling the FDA na kung ano, yung vaccines para to stave of the effects nung ASF tapos ibaba din natin yung presyo ng mga baboy to stop the african swine fever. Yun ang talagang salot ng pagtataas ng presyo ng baboy.” sabi ni Romualdez| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us