Atin Ito civilian mission, dapat  tiyaking makapaglalayag ng maayos at ligtas – Sen. Hontiveros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Senator Risa Hontiveros na malayang makakapaglayag sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang mga makikilahok sa Atin Ito civilian mission.

Plano ng naturang grupo na gawin ang civilian mission mula bukas hanggang sa Biyernes sa Bajo de Masinloc, para magbigay ng krudo at iba pang supplies sa mga mangingisda sa lugar.

Nagbabala si Hontiveros sa China na hindi nila dapat pakialaman ang ating mga sasakyang pandagat at mga mamamayan.

Hindi aniya dapat ma-harass, ma-intimidate o mangamba sa kanilang kaligtasan ang mga kasali sa Atin Ito.

Sinabi rin ni Hontiveros, na nakakagalit ang napaulat na pagpapadala ng China ng malalaking pwersa para harangan ang naturang civilian mission.

Kinondena rin ni Hontiveros ang pagpapakalat ng China ng kasinungalingan na ang Philippine at American Governments ang nasa likod ng Atin Ito mission.

Paglilinaw ng mambabatas, ito ay binubuo ng mga ordinaryo at pribadong mga mamamayan na nais makatulong sa mga kapwa Pilipino na napagkakaitan ng pagkain at kabuhayan dahil sa mga aksyon ng China. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us