Atin Ito Coalition, tuloy pa rin sa paglalayag sa kabila ng pagpaparamdam ng mga barko ng China sa paligid ng Bajo de Masinloc

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay pa ring nakamapahagi ng suplay sa mga mangingisdang naglalayag sa Bajo de Masinloc ang civilian volunteer group na Atin Ito Coalition.

Ito’y sa kabila ng pagpaparamdam ng mga barko ng China Coast Guard habang papalapit ang civilian convoy sa naturang bahura na nakapaloob sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea.

Batay sa ulat na ipinarating sa Atin Ito Coalition, namataan ang mga barko ng Tsina sa layong 48.2 nautical miles southwest ng Magalawa Island sa Zambales at bumubuntot sa layong 1.3 nautical mile mula sa convoy.

Tinangka rin ng isang barko ng China Coast Guard na may body No. 4108 na lumapit sa convoy para paghiwa-hiwalayin ang mga ito.

Gayunman, nakapaligid sa convoy ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) habang hindi rin nalalayo ang distansya ng mga barko ng Philippine Navy sa hindi tinukoy na lokasyon dahil sa usaping pangseguridad.

Maliban sa mga suplay na ipinamahagi sa mga mangingisda ng Masinloc, naglatag din ng bouya ang Atin Ito sa karagatang nasasakupan ng Pilipinas.

Una nang tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kanilang mahigpit na babantayan ang ikinasang civilian convoy na iginigiit ang soberanya ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us