Sa mas pinalakas na operasyon kontra-kolorum ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT).
Isang UV Express na may pekeng body markings ang nahuli sa operasyon ng SAICT sa Makati kagabi dahil sa ‘tapal modus.’
Sa naturang modus tinatapalan ang markings ng sasakyan ng ibang ruta para makabiyahe sa ibang lugar.
Ayon sa report ng SAICT, ang UV Express na orihinal na may rutang Antipolo-Cubao, ay nahuling pumapasada sa rutang Antipolo-Ayala gamit ang ‘tapal’ na body markings.
Agad na dinala sa impounding area ang sasakyan at kasalukuyang nahaharap sa kasong colorum violation ang driver nito.
Sa kabuuan ng operasyon ng SAICT, apat na sasakyan ang naisyuhan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) dahil sa pitong violations, kabilang ang kawalan ng OR/CR, pagmamaneho nang walang lisensya, at colorum.| ulat ni Diane Lear