Bagong teknolohiya sa paggawa ng dekalidad na asin sa Cagayan, ibinahagi ng BFAR-R02

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumilos ngayon ang BFAR-R02 upang lalo pang i-upgrade ang sistema at teknolohiya na ginagamit sa paggawa ng asin ng ilang mamamayan ng Calayan, Cagayan.

Nasa isla ngayon ng Calayan ang anim na empleyado ng BFAR-RO2, kasama si Fisherfolk Director Fred Bisquera para sa misyong magsagawa ng training at magkaloob ng kagamitan sa kanilang proyektong salt production sa mga miyembro ng RIC ng dalawang barangay.

Tig-35 residente ng Barangays Dadao at  Dilam sa Calayan ang tinuruan ng Solar Sea Salt Production, bilang pag-upgrade sa dati nilang ginagawang pagluluto ng asin.

Ang solar sea salt production ay ginagamitan ng high density polyethylene o HDPE method na mas simple at environment-friendly kaysa sa tradisyunal na paraan ng paggawa ng asin.

Ayon sa mga trainer, kasama ng skills training at ang financial literacy seminar na kaloob din sa mga kalahok at ang pagkakaloob ng kagamitan sa paggawa ng asin sa dalawang barangay.

Ang aktibidad ay bahagi ng programang Development of Salt Industry Project ng BFAR-R02 katuwang ang LGU-calayan. Layon nitong mapataas ang produksyon ng magandang kalidad ng asin sa Calayan upang magkaroon ng sapat na supply hindi lamang sa islang bayan kundi sa buong Lambak Cagayan. | ulat ni Vivian De Guzman | RP1 Tuguegarao

📸 BFAR-R02

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us