Welcome sa Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang inilabas na bagong polisiya ng Department of Education (DepEd) hinggil sa workload ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Kaugnay ito ng DepEd Order No. 5, s. 2024 para sa rationalization ng workload at sweldo ng mga guro kung saan nakapaloob na ang anim na oras na serbisyo ng mga guro ay dapat ilaan sa pagtuturo sa loob ng silid-paaralan.
Sa isang pahayag, nagpasalamat si TDC National Chairperson Benjo Basas sa pagbibigay tuon sa Overtime Pay provisions na alinsunod sa Magna Carta for Public School Teachers (RA 4670).
Aniya, ito ang unang pagkakataon na nag-isyu ng guidelines ang DepEd pagdating sa Overtime o Teaching Overload Pay.
“Notably, this marks the first time DepEd has issued specific guidelines on overtime or teaching overload pay since the enactment of the Magna Carta in 1966, signifying a pivotal moment in addressing the issues faced by our public mentors,” ani Basas.
Sa pamamagitan nito, matutugunan aniya ang matagal nang hinaing ng mga guro pagdating sa teacher workload at compensation.
Gayunman, may ilang klaripikasyon na hinihingi ang TDC kaugnay ng DepEd Order. Kabilang dito ang Overtime Pay para sa classroom work na lumagpas ng anim na oras.
“Since this is a landmark policy, we don’t want it to end up with a flawed implementation like previous DepEd issuances regarding teachers’ working hours. “We believe that DepEd recognizes the importance of clarifying the policy and the need for collaborative efforts to ensure its success, as it will undoubtedly impact the welfare of teachers and the quality of education,” Basas.
Umaasa rin ang TDC na may na sapat na pondo ang Deped para sa overtime at teaching overload payments.
Dapat rin aniyang magkaroon ng mahigpit na monitoring sa implementasyon nito at matiyak na mapapanagot ang mga opisyal na lalabag rito. | ulat ni Merry Ann Bastasa