Patuloy na nananalasa ang bagyong Aghon sa Lucena City, iba’t ibang bayan sa Quezon at sa Batangas Province.
Wala nang daloy ng kuryente at walang tubig mula pa kaninang madaling araw sa Lucena, Gumaca, Sariaya, Calauag Quezon habang may schedule ngayon ng brownout ang Quezelco sa Bondoc Peninsula dahil sa pagsasaayos na gagawin ng electric cooperative.
Ramdam ng ilang coastal municipality ang bagyong Aghon lalo na sa Sariaya, Quezon habang mataas na ang tubig-baha sa Sinueguelas Park sa Lopez.
Marami nang puno ng saging ang natumba sa Macalelon Quezon at Catanauan Quezon.
Umabot naman sa 651 passengers ang stranded ngayon as of 5:30 ng umaga. | ulat ni Mae Formaran | RP1 Lucena