Balik Mindanao ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ngayong araw.
Ang ika-18 BPSF at ika-7 sa Mindanao, at pinaka una sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay ginanap sa Bongao, Tawi-tawi.
Nasa 40 ahensya ng pamahalaan ang nakibahagi sa BPSF dala ang nasa 199 na serbisyo.
Habang 135,000 na residente ang inaasahang maseserbisyuhan sa pagtatapos ng dalawang araw na BPSF.
Nagkakahalaga ng P699 million ang mga programa, serbisyo at tulong na ipinaaabot dito.
Personal na pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng BPSF kasama ang nasa halos 100 mambabatas.
Ang serbisyo caravan na ito ang pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilalapit ang serbisyo ng gobyerno sa taumbayan.
Sabi pa ni Speaker Romualdez, na ipinapakita ng kanilang pagbisita sa Tawi-Tawi na sa administrasyong Marcos Jr. ay walang Pilipinong maiiwan.
Matapos ang paglulunsad ng BPSF ay sinundan ito ng pamamahagi ni Pangulong Marcos ng tulong sa mga magsasaka mangingisda at pamilyang apektado ng El Niño. | ulat ni Kathleen Forbes