Bangko Sentral ng Pilipinas, binigyang halaga ang capital market development sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na palakasin ang capital market ng Pilipinas.

Ito ang binigyang halaga ni BSP Governor Eli Remolona sa ginanap na Economic Briefing sa Manila.

Ayon kay Remolona, sa pamamagitan ng capital market, mas paghuhusayin ang transmission ng mga monetary policy mechanism upang gawing mas resilient ang financial system.

Aniya, sa pamamagitan ng pinaghusay na capital market..  mailalaan ang funding sources ng central bank para sa investment at ekonomiya.

Samantala, tiniyak naman ng BSP chief sa harap ng business leaders ang pagsisikap ng BSP na pagaanin  ang epekto ng  inflation sa gitna ng supply shocks.

Paliwanag pa ng opisyal, na malaki na ang ibinaba ng inflation mula sa 8.7 percent noong January 2023 sa ngayong 3.8 percent April inflation. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us