Binati ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang Bangsamoro Parliament sa lahat ng kanilang mga nagawa sa pagpapaunlad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), mula nang itinatag noong 2019 ang BARMM interim government.
Sa sidelines ng pagbubukas ng third regular session ng Bangsamoro Parliament noong Martes, sinabi ni Galvez na “more than enough” ang nagawa ng mga mambabatas sa pagsulong ng tunay na kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Nagpahayag ng kumpiyansa si Galvez, kasama ang mga opisyal ng BARMM at kanilang mga national counterpart, na maisasabatas ng BARMM Parliament ang mga naka-pending na legislative measures sa huling taon ng transition period bago idaos ang unang regular na BARMM election sa 2025.
Tiniyak naman ni Speaker Atty. Pangalian Balindong ang commitment ng BARMM Parliament na tapusin ang lahat ng priority measures bilang paghahanda sa pagpasok ng unang halal na BARMM government sa susunod na taon. | ulat ni Leo Sarne
📷: OPAPRU