Bataan solon, nanawagan sa AFP na suportahan si PBBM sa pagtatangol nito sa mga teritoryo ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman sa Armed Forces of the Philippine na patuloy at pagibayuhin ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng pambubully ng China sa West Philippine Sea.

Sa daily press briefing sa Kamara, sinabi ni Roman na malaki ang kanilang tiwala sa kasundaluhan at kanilang loyalty sa sambayanan na ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa ating territorial waters.

Hinikayat ng mamababatas ang AFP na ipamalas ang kanilang loyalty sa kanilang commander-in-chief gaya ng kanilang   ipinamalas na pagsuporta noon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang diin pa ng Bataan solon ang mahusay na pagganap ng pangulo ng kanilang tungkulin particular ang paninindigan niyo sa mga teritoryo at soberanya ng bansa na kung tutuusin nakaka proud kumpara sa dating panahon na na kailangan pigilan ang nararamdaman sa pambubully ng China. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us