Kahit patuloy na humihina ang El Niño ay inaasahan ng PAGASA ang pag-iral pa rin ng mainit at maalinsangang panahon sa maraming bahagi ng bansa ngayong buwan.
Ayon sa inilabas na El Niño Advisory ng PAGASA, bagamat may isa hanggang dalawang bagyo na papasok ngayong Mayo, below normal pa rin ang rainfall sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
Dahil dito, posible pa ring umiral ang drought condition sa 23 lalawigan sa Luzon, 15 lalawigan sa Visayas, at 9 na lalawigan sa Mindanao
Nasa pitong probinsya naman ang posibleng tamaan pa rin ng dry spell, habang walo naman ang makararanas ng dry conditions.
Sa ngayon, nasa 60% pa rin ang posibilidad na umiral ang La Niña sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo.
Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng maantala ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan dahil sa El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa