Bentahan ng ₱29 kada kilong bigas sa ADC Kadiwa store, maagang pinilahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na tinatangkilik ng mamimili ang bentahan ng ₱29 kada kilong bigas sa ADC Kadiwa Store sa tanggapan ng Department of Agriculture sa Elliptical Road, Quezon City.

Alas-6 pa lang ng umaga may mga nagtungo na rito para makaiskor ng murang bigas kabilang si Mang Michael na una sa pila.

Ayon sa kanya, sulit na ang ₱29 na kada kilo kumpara sa ₱60 na kada kilo na kadalasang binibili niya sa mga pamilihan.

May mga gaya naman ni Nanay Lilla na ikalawang balik na rito dahil bukod sa mura ay masarap din ang ibinebentang bigas ng Kadiwa.

Sulit din para kay Nanay Trining na balik balikan ang murang bigas dahil malaki aniya ang matitipid niya rito.

As of 8AM, tuloy-tuloy ang pila dito sa ADC Kadiwa Store kung saan nakasalansan na rin ang mga bigas na nakasupot ng kada limang kilo.

Nasa 200 sako ng tig-25 kilograms ang hawak na suplay ngayon ng ADC Kadiwa Store na ibebenta sa publiko.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us