Bentahan ng ₱29 kada kilong bigas sa Kadiwa store sa Caloocan, patuloy na tinatangkilik

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking bagay para sa mga mamimili sa Kadiwa store sa Llano Road sa Caloocan ang pagpapatuloy ng bentahan ng ₱29 kada kilo ng bigas.

Kasunod ito ng pagdating ng mga bagong stock ng bigas kahapon na aabot sa 125 sako o katumbas ng higit 3,000 kilo.

Limitado pa rin sa limang kilo ang pwedeng bilhin ng bawat customer dito.

Marami naman sa mga mamimili ngayong umaga ang unang beses susubukan ang alok na murang bigas.

Kabilang dito si Aling Jo na narinig ito sa kasamahan sa trabaho. Ayon sa kanya, malaki na ang matitipid niya sa ₱29 na kada kilong bigas sa Kadiwa kumpara sa ₱59 na kadalasang binibili niya sa palengke.

Ayon din kay Tatay Jeffrey, maganda na ang kalidad ng bigas sa Kadiwa para sa presyo nito.

Umaasa naman ang mga mamimili na magtuloy-tuloy ang alok na murang bigas sa Kadiwa store. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us