Niratipikahan na ng Senado ang bicameral conference committee report tungkol sa panukalang magdagdag ng Shari’a courts sa buong bansa.
Sa sesyon ng Senado ngayong hapon, pinagtibay na ng Mataas na Kapulungan ang nagpagkasundong bersyon ng Senate Bill 2594 at ng House Bill 8257.
Isinusulong ng naturang panukala ang pagtatatag ng 3 Shari’a Judicial Districts at 12 circuit courts sa Pilipinas.
Layon nitong matiyak na mas madaling maaabot, mas maging patas at mabilis ang hustisya para sa mga Muslim na Pilipino.
Itinuturing naman ni Senador Robin Padilla na malaking tagumpay ito para sa mga Muslim.
Ayon kay Padilla, hindi lahat ng mga Muslim ay nakatira sa BARMM, pero lahat ay sumusunod sa batas ng Shari’a na mahalagang bahagi ng kanilang pananampalataya.| ulat ni Nimfa Asuncion