Inaasahang gagawa ng maraming kasaysayan ang nalalapit na Bicol Loco Festival at Magayon Festival sa lalawigan ng Albay ngayong buwan ng Mayo.
Naisakatuparan ng Provincial Government of Albay ang kauna-unahang Grand Maritime Procession ng Nuestra Señora de Salvacion bilang pagsusulong sa ‘faith tourism’ ng Albay.
Libo-libong deboto rin ang nakiisa sa isinagawang Marian Procession sa Albay Cathedral kung saan umabot sa mahigit 50 karosa mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang sumama sa parada.
Nakatakda ring isagawa ang kauna-unahang Paramotor Show sa Old Airport, Legazpi City, Albay. Ayon sa pamunuan, layunin nitong magpakilala ng bagong tourism product sa lalawigan.
Samantala, puspusan na ang paghahanda ng Ako Bicol Partylist Representative, Hon. Elizaldy Co at ng Department of Tourism (DOT) Bicol para sa nalalapit na Bicol Loco Festival simula Mayo 3-5, 2024 sa Legazpi City, Albay.
Engrande ang mga inihandang aktibidad dahil sa mga naglalakihang hot air balloons at musical performances kung saan ang popstar royalty na si Sarah Geronimo, Bamboo, Ely Buendia ng Eraserheads at Jericho Rosales ang inimbitahang performers.
Ayon kay Albay Provincial Tourism, Culture, and Arts Office (PTCAO) Head Dorothy F. Colle, target nila ang 200,000 tourist arrival para sa isang buwang selebrasyon ng parehong bigating aktibidad. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay
📷 Camalig PIO