“Bicol Loco,” isang malaking tagumpay sa turismo ng Piipinas – Rep.  Elizaldy Co

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maituturing na isang malaking tagumpay sa turismo ng Pilipinas ang katatapos lamang na Bicol Loco, ang kauna-unahang hot-air balloon at music festival sa rehiyon.

Ayon kay Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, na namahala sa festival, ang Bicol Loco ay naglalayong ipakita ang kagandahan ng Bicol Region na tahanan ng sikat na Bulkang Mayon.

Ayon kay Co, target niyang mailagay ang Bicol sa world tourism map at malaman ng international stage kung gaano kaganda ang Bicol, at mapabilang sa listahan ng premier tourist destination ng bansa.

Pinasigla ng tatlong araw na festival ang kauna-unahang hot-air balloon display, acrobatics show, concert na dinaluhan ng mga sikat at globaly renowned artist, at malalaking raffle prizes gaya ng house and lot na nagkakahalaga ng P1.5 million.

Ang Bicol Loco ay dinagsa ng may 165,000 na turista, at sinuportahan ng maraming opisyal gaya ni House Speaker Martin Romualdez at Air Safari Capt. Joy Roa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Photos: Rep. Elizaldy Co FB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us