Bigtime rollback sa presyo ng produktong petrolyo, bitin pa rin sa ilang trike driver sa Batasan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kahit malaki na ang tapyas sa presyo ng gasolina ngayong linggo, nakukulangan pa rin ang ilang tricycle driver sa Batasan sa naturang rollback.

Simula kaninang alas-6 ng umaga, epektibo na ang rollback sa ilang kumpanya ng langis na:

Biodiesel ₱0.50/liter rollback
Gasoline ₱2.00/liter rollback
Kerosene ₱0.85/liter rollback

Ayon kay Mang Edmond na pumapasada sa BATODA, hindi rin nila halos mararamdaman ang rollback dahil sa tumal ng biyahe ngayon.

Tuwing wala raw kasing pasok ang mga estudyante ay wala rin sila halos pasahero.

Ayon din kay Mang Efver, kung tutuusin ay hindi pa sila nakakabawi dahil sa mga nagdaang sunud sunod na taas presyo sa gasolina nitong mga nakaraang linggo.

Kaya para kay Mang Rod, na 36 taon nang tricycle driver, sana ay madagdagan pa ang rollback sa susunod na linggo para mas ramdam ito ng kanilang sektor. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us