Pumalo na sa 16,336 na pamilya o katumbas ng 51,659 na indibidwal ang naitalang apektado ng pananalasa ng bagyong Aghon sa bansa.
Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod na rin ng pagpasok ng mga datos mula sa mga lalawigang apektado ng bagyo.
Nagmula ang mga apektado sa 364 na Barangay sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Central at Eastern Visayas, gayundin sa National Capital Region.
Nasa 3,878 na pamilya o katumbas ng 14,816 na indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evaucation centers, habang ang ibang apektado naman ay piniling manuluyan sa kanilang kamag-anakan.
Samantala, nananatili naman sa isa ang kumpirmadong nasawi na konektado sa bagyo ang naitala ng NDRRMC, habang pito naman ang nasaktan na isinasailalim pa sa beripikasyon. | ulat ni Jaymark Dagala