Bilang ng mga indibidwal na nananatili sa evacuation center dahil sa Bagyong Aghon, nasa 8,800 na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 2,500 pamilya o 8,800 indibidwal ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nananatili sa mga evacuation center sa CALABARZON, MIMAROPA, at Region V dahil sa epekto ng Bagyong Aghon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumalao, na mula sa kabuuang bilang na ito 2,200 na pamilya dito ay nasa open evacuation sa CALABARZON.

Higit 200 ang nasa MIMAROPA habang 43 pamilya naman ang naitala sa Camarines Sur.

Mayroon rin aniyang mga apektadong pamilya ang mas pinili na makitira na muna sa kanilang mga kaanak.

Higit 600 sa mga ito ay nasa Laguna at Quezon, nasa 290 sa Marinduque habang sa Region VIII, partikular sa Easter at Northern Samar ay nasa 465 na pamilya.

Kung matatandaan, una na ring siniguro ng opisyal na nagpapatuloy ang pagbababa ng relief items ng pamahalaan, sa mga apektado ng bagyo. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us