Bilang ng mga kumpirmadong nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Aghon, umakyat na sa 6 — NDRRMC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa anim ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Aghon.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng NDRRMC ngayong umaga, nagmula sa CALABARZON ang limang nadagdag na bilang ng mga kumpirmadong nasawi habang ang naunang isa ay mula sa Northern Mindanao.

Kabilang na rito ang naunang iniulat ng Phlippine National Police (PNP) na tatlong lalaking nabagsakan ng puno gayundin ang sanggol na inanod ng baha sa Quezon at ang 14-na taong gulang na binatilyong nalunod sa kasagsagan ng baha.

Samantala, nananatili naman sa isa ang kumpirmadong nasugatan dahil sa bagyo habang bineberipika pa ang pitong naunang napaulat na nasugatan din.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa mahigit 16,000 pamilya ang apektado ng bagyo o katumbas ng mahigit sa 51,000 indibiduwal na sinalanta ng bagyo na ngayo’y nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR). | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us