Bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Aghon, nadagdagan — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat pa ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng malalakas na ulang dala ng bagyong Aghon, ayon yan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa pinakahuling tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of May 27 ay umakyat na sa higit 12,000 pamilya o katumbas ng 26,871 na indibidwal ang apektado ng bagyo sa pitong rehiyon sa bansa.

Aabot naman sa 2,437 na pamilya o 8,580 indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation centers habang nasa higit 3,000 indibidwal din ang pansamantalang lumikas sa mga kaanak.

Kaugnay nito, nadagdagan na rin ang naipahatid na tulong ng DSWD sa mga apektadong LGU kabilang ang pamamahagi ng family food packs.

Katunayan, mayroon nang higit sa ₱1.4-million humanitarian assistance ang naipamahagi ng ahensya.

Bukod dito, nananatili ring nakahanda ang nasa ₱3-bilyong halaga ng stockpiles at standby funds para sa mga apektado ng bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us