Bilang ng tinamaan ng Dengue, umabot na sa mahigit 50,000 ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 59,267 ang nagkakasakit ng Dengue sa bansa ngayong taon.

Ayon sa DOH, ang naturang bilang ay naitala mula Enero hanggang May 4, 2024.

Sa bilang ng mga tinamaan ng Dengue, may 164 ang pumanaw.

Kasabay nito ay inihayag din ng Department of Health na bahagyang bumababa na ang kaso ng Dengue mula Marso hanggang Abril ngayong taon.

Ayon sa DOH, tatlong porsiyento ang ibinaba ng dengue, o mula 5,380 noong March 24 hanggang April 6, ay naging 5,211 noong April 7 hanggang April 20.

Mula April 21 hanggang May 4, bumaba ng 30 porsiyento ang tinamaan ng Dengue o 3,634 na lamang.

Sinabi ng DOH na ilan sa mga palatandaan ng sakit na Dengue o nakagat ng Dengue mosquito ay mataas na lagnat (40°C), matinding sakit ng ulo, masasakit na kasu-kasuan o joint pains, nausea, at rashes.

Paalala ng DOH sa publiko, ngayon pa lamang ay maglinis na upang matanggal ang pinamamahayan ng mga Dengue mosquito. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us