BIR, nangako na ipagpapatuloy ang laban kontra illicit vape at cigarettes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang lahat ng BIR officials na ipagpatuloy ang paglaban sa illicit vape at cigarette traders.

Ito man ay ibinebenta online o sa pamamagitan ng mga brick-and-mortar store.

Ginawa ang kautusan, matapos ang pulong sa Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group sa Malacañang noong Mayo 8 kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nilinaw ni Lumagui, na ang pagbebenta ng ipinagbabawal na vape at cigarette products sa online o ordinary stores ay itinuturing na tax evasion.

Noon pang 2022, ipinagbabawal ng BIR ang kalakalan sa vape at sigarilyo matapos ang mga ginawang raid at pagsasampa ng kaso sa mga nahuhuling negosyante.

Bagama’t naging aktibo ang BIR sa mga raid at pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa mga illicit vape at cigarette traders, pinagbubuti rin nito ang mga serbisyo at kakayahan sa pagsubaybay.

Magiging mandatory na ang internal revenue stamp sa mga produkto ng vape sa Hunyo 1 ng taong ito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us