Anim na buwang preventive suspension ang ipinataw ng Office of the Ombudsman kay Bohol Governor Erico Aumentado at 68 iba pang opisyal dahil sa reklamong administratibo kaugnay ng pagpapatayo ng Captains Peak resort sa Chocolate Hills.
Ayon sa Ombudsman, layon ng suspensyon na bigyang-daan ang imbestigasyon at masigurong hindi mapakikialaman ang mga dokumento o ebidensya.
Kabilang sa mga sinuspinde ang ilang dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources regional office, Department of Agriculture, DOST, PNP, Office of Civil Defense, at ilang barangay official.
Samantala, itinanggi ni Atty. Handel Lagunay, Provincial Legal Officer at tagapagsalita ni Governor Aumentado, ang pagkakasangkot ng gobernador sa isyu ng Captains Peak resort.
Nakahanda rin daw silang sagutin ang lahat ng alegasyon at inaalam ang mga susunod na hakbang. | ulat ni Diane Lear