Brownout sa ilang lugar sa Makati, nakaamba bukas 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng paalala ng Pamahalaang Lungsod ng Makati hinggil sa nagbabadyang power interruption bukas, Mayo 17.

Ayon sa anunsiyo, magkakaroon ng pagkaantala sa suplay ng kuryente bukas, May 17, 2024 simula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa Barangay San Lorenzo sa bahagi ng Nakpil St. malapit sa Hidalgo St.

Sa kaparehong oras ay inaasahan din na magkakaroon ng brownout sa Barangay Bangkal bahagi ng Gen. Lim St. malapit sa Capt. M. Reyes St.

Payo ng Makati LGU, para sa karagdagang detalye ay bisitahin ang Facebook page at website ng Meralco.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us