Bagaman pasok sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 3.8 April inflation, patuloy na susuportahan ng BSP ang mga non-monetary measures ng national government para matugunan ang supply side pressure ng inflation.
Sa statement na inilabas ng monetary board, kanilang ikokonsidera ang latest inflation at first quarter gross domestic product (GDP) growth sa kanilang nalalapit na monetary policy meeting sa May 16.
Anila ang 3.8 inflation ay bunsod ng epekto ng tagtuyot sa bansa.
Umaasa ang BSP na mananatili ang average inflation sa target ranges nito para sa full year 2024 at 2025.
Samantala, sinabi ni BSP Governor Eli Remolona, na naglaan sila ng “leeway” upang mapanatili ang benchmark rate kasunod ng April inflation.
Umaasa ito na mananatili ang inflation sa 3 to 3.9% at inaasahang magkakaroon ng interest rate cut kapag natamo ang 3% inflation na nasa 25 basis points. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes