Naglabas ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa publiko kaugnay ng mga text messages na nagpapakilalang mula sa mga banko at Electronic wallet.
Ayon sa BSP, masyado ng nakababahala ang mga text messages na nagpapakilalang mula sa mga umanoy agent ng mga bank institution at e-wallet.
Kabilang sa mga natanggap ng BSP na mga reklamo ay may kaugnayan sa mga money laundering kung saan mayroong pipindutin na website at ipapadala ang mga password.
Marami na umanong mga nabiktima na ganitong nga modus kung kayat pinag-iingat ang publiko.
Payo nila sa mga ganitong nakatatanggap ng text messages, ireport agad sa National Telecommunications Commission at iblock mga numero. | ulat ni Michael Rogas
📷 Bangko Sentral ng Pilipinas