Pinangunahan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa Commission on Audit exit conference na ginawa sa New Conference Hall ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Pinasalamatan ni Catapang ang BuCor audit team dahil sa ang naging findings nito para sa 2023 ay makakatulong sa BuCor na mapaganda ang kanilang financial management system, transparency and accountability.
Dagdag pa ni Catapang na welcome ang audit team sa BuCor dahil nakakatulong aniya itong malaman nila kung tama ang kanilang mga ginagawa.
Umaasa din si Catapang na gagabayan sila ng audit team para kung may pagkukulang man sa kanilang parte ay agad itong magawan ng paraan.
Tiniyak ni Catapang na hindi titigil ang kanyang mga tauhan hanggat hindi nakakasunod sa requirements ng audit team.
Sa naturang aktibidad ay tinalakay ng COA team ang kanilang audit observations at mga rekomendasyon base sa analysis ng financial records ng BuCor. | ulat ni Lorenz Tanjoco