Patuloy pa rin ang aktibidad na naitatala ng PHIVOCLS sa Bulkang Taal sa Batangas.
Sa inilabas nitong volcano advisory, apat na sunud sunod na phreatic o pagbuga ng usok o steam ang naitala mula sa Main Crater ng Bulkang Taal ngayong umaga.
Naitala ito sa pagitan ng 7:03am-07:09am, 07:17am-07:18am, 07:52am-07:54am at 07:57am-08:00am
Nagdulot naman ang aktibidad ng puting usok na umabot sa 100- 300 metro ang taas.
Bukod dito, namonitor din ang bahagyang paatas sa Sulfur dioxide (SO2) emissions sa bulkan.
Paliwanag ng PHIVOLCS, bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na upwelling ng mainit na volcanic gas sa taal volcano.
Sa ngayon ay nananatili pa rin sa Alert level 1 ang Taal Volcano, at patuloy ang babala ng ahensya sa mga posibleng panganib sa bulkan kabilang ang biglaang pagsabog. | ulat ni Merry Ann Bastasa