Isang mahinang phreatic activity o pagbuga ng usok o steam ang naitala ng PHIVOLCS mula sa main crater ng Bulkang Taal ngayong umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala sa pagitan ng 8:27-8:31 am ang phreatic activity base na rin sa visual, seismic at infrasound records mula sa Taal Volcano Network (TVN).
Nagdulot ito ng pagsingaw na umabot sa 2,000 metro ang taas.
Paliwanag ng PHIVOLCS, bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na ‘upwelling’ ng mainit na volcanic gas sa Taal Volcano.
Kaugnay nito, wala namang na-monitor na iba pang aktibidad ang PHIVOLCS sa Bulkang Taal.
Bumaba na rin ang sulfur dioxide (SO2) emissions sa naturang bulkan sa nakalipas na linggo.
Sa ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Taal Volcano. | ulat ni Merry Ann Bastasa