Canada, nagpahayag ng interes na dagdagan ang investment at palakasin ang bilateral ties sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Canada ang kanilang interest na dagdagan ang pamumuhunan sa Pilipinas partikular sa imprastruktura, agrikultura, power, at clean energy.

Sa pagbisita ni Canadian Ambassador to the Philippines David Bruce Hartman kay Finance Secretary Ralph Recto pinuri nito ang “tremendous macroeconomic climate” at pro-business reform  policies na binuksan ng Pilipinas globally kaya naipoposisyon ang  bansa bilang investment getaway sa ASEAN region. 

Binigyan diin ni Ambassador Hartman ang “strong interest” ng kaniyang bansa sa mining industry at tulungan ang Pilipinas na maging bahagi ng supply chain bilang critical player sa “value chain.”

Nagkasundo rin ang dalawang bansa na i-expedite ang government-to-government arrangement upang i-facilitate ang suporta ng Canada sa mga development projects ng Pilipinas.

Samantala, binanggit din ng kalihim ang posibilidad na ituloy ang isang bilateral free trade agreement sa Canada sa pagpapatuloy ng  negosasyon ng ASEAN-Canada FTA.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us