Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong magdamag ang ilang lugar sa mga bayan ng Angono, Binangonan at Cardona sa Rizal.
Sa abiso ng Manila Water, sasailalim sa emergency facility activity ang Cardona treatment plant.
Kabilang sa maapektuhan ang barangay San Roque sa Angono, labing tatlong (13) barangay sa Binangonan at anim (6) na barangay sa bayan ng Cardona.
Asahan na manumbalik ang normal na suplay ng tubig dakong alas 6 ng umaga.
Bukod dito, may mga water interruption din na mararanasan sa mga lungsod ng Antipolo,San Juan at Marikina mula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.
Simula din sa Mayo 23 hanggang a-30, 2024 may isasagawa ding maintenance activity tuwing gabi hanggang madaling araw sa ilang lugar sa Sta Ana Manila, Marikina City, Makati City at Quezon City.| ulat ni Rey Ferrer