CCC, kinilala ang papel ng kooperatiba sa sustainable development at climate resilence

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng Climate Change Commission sa pangunguna ni CCC Vice Chairperson and Executive Director Robert E.A. Borje ang mahalagang papel ng mga kooperatiba sa pagtulak ng sustainable development at epektibong climate action para sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na 47th General Assembly and 22nd Leader’s Congress of the National Confederation of Cooperatives (NATCCO), binigyang-diin ni Borje kung paano ang mga kooperatiba ay nagpapakita ng diwa ng bayanihan na sumasalamin ng katatagan at pagkakaisa ng mga Pilipino.

Ipinunto rin nito kung paano ang mga lokal na kooperatiba partikular sa sektor ng enerhiya, agrikultura, at transportasyon ay maaaring mag-promote ng renewable sources, sustainable farming, at eco-friendly na pamamaraan ng paglalakbay na nagpapatatag sa ekonomiya ng Pilipinas.

Maliban sa pagkilala sa ambag ng mga kooperatiba, ibinahagi din ni Borje sa kanyang talumpati ang mga kasalukuyang pagsisikap ng gobyerno upang makamit ang climate resilience at sustainable development sa pamamagitan ng iba’t ibang mga plano at framework tulad ng National Adaptation Plan (NAP) na sinasabing mahalaga tulad sa mga kooperatiba upang mabigyan ang mga ito ng tulong sa pag-identify ng mga asset at financial risk sa panahon ng kalamidad at climate challenges.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us