Parusang habangbuhay na pagkabilanggo ang ipinataw kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at dalawa pa matapos hatulang ‘guilty’ sa kasong ‘serious illegal detention for ransom’ na inihain ng actor-host na si Vhong Navarro.
Kung maaalala, ang businessman na si Cedric Lee ang unang tumestigo sa hearing ng petition for bail ni Vhong Navarro, na inakusahan ng panggagahasa sa model na si Deniece Cornejo.
Habang noong 2018 naman ay sina Cedric at Deniece ay nahatulan ng korte na guilty sa kasong ‘grave coercion’ dahil sa pambubugbog, pananakot, at pangingikil ng pera kay Vhong Navarro.
Umabot sa 10 taon ang naging imbestigasyon at ngayon ay naglabas na ng resulta ang Taguig RTC hinggil sa kaso. | ulat ni Lorenz Tanjoco