Hinikayat ng Makati City LGU sa pangunguna ni Mayor Abby Binay ang mga kakabihang Makatizen na makibahagi sa proyekto ng lungsod kontra cervical cancer.
Ayon sa social media post ng Makati City, magkakaroon ng cervical cancer screening activity ang lungsod magmula sa May 2 hanggang June 30 sa mga health center nito, gayundin sa Palanan 24/7 Primary Facility, at sa Social Hygiene Clinic sa Makati City Hall.
Hatid ang nasabing proyekto ng Makati Health Department upang tugunan ang cervical cancer na ikalawang pinakalaganap na uri ng kanser sa mga kababaihan sa Pilipinas. Kung saan karaniwang naaapketuhan ang mga babaeng edad 15 hanggang 44.
Ayon sa datos, mahigit 4,000 Pilipina ang namamatay sa naturang sakit bawat taon.
Samantala, ibinahagi rin ng Makati LGU na tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawa nitong pagbibigay ng libreng HPV vaccines sa mga residente nito.| ulat ni EJ Lazaro